Nagdulot ng aliw sa social media ang viral Facebook post ng isang college student na si "James Delicano" matapos siyang pumasok sa paaralan nitong Biyernes, Pebrero 9, kahit wala naman talagang pasok dahil sa holiday.
Deklaradong "special non-working holiday" ng pamahalaan ang Pebrero 9 dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year nitong araw ng Sabado, Pebrero 10.
Dahil non-working holiday, awtomatikong wala ring klase o pasok ang mga mag-aaral dahil nakapahinga rin ang mga guro.
Pero si James, mistulang "model student" dahil gumising pa rin siya nang maaga para pumasok sa paaralan.
Hindi raw niya alam noong una na wala palang pasok.
"Super kahangagan for today! HAHAHAHAHAHA February 9, 2024 special non-working tas ako ari sa terminal sang ceres La Carlota kay ma eskwela sa Planters. SHUTA!!!! Wala ko ya idea wala klase subong. Piste!!! Kahuluya bala magsakay sa ceres tas ikaw lang ginatulok nga istudyante. Huhuhu Ngala ko grabi tawa sang mga pasahero sa akon. Huyyy," mababasa sa kaniyang FB post.
Salin sa wikang Tagalog, "Super nakakahiya for today! HAHAHAHAHAHA February 9, 2024 special non-working [holiday] tapos ako andito sa terminal ng Ceres sa La Carlota kasi may pasok sa Planters. SHUTA!!!! Wala ako idea wala klase ngayon. Peste!!! Nakakahiya [pala] sumakay sa Ceres (bus) tapos ikaw lang tinitingnan ng mga estudyante. Huhuhu Alam ko grabe tawa ng mga pasahero sa akin. Huyyy."
Kalakip ng post ang ilang mga selfie niya habang nasa terminal ng bus na lagi niyang sinasakyan kapag pumapasok sa paaralan.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay pumalo na sa 3.5k "haha" reacts at 879 shares ang nabanggit na viral FB post.
May ganitong moment din ba kayo?
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!