Niyanig ng 5.8-magnitude na lindol ang bahagi ng Agusan del Norte nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong 11:22 ng umaga nang maramdaman ang sentro ng lindol limang kilometro mula sa timog kanluran ng Las Nieves.

Ang pagyanig na lumikha ng lalim na 30 kilometro ay dulot ng tectonic.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naramdaman din ang Intensity V sa Las Nieves, Agusan del Norte; Intensity IV sa Libona at San Fernando sa Bukidnon; Iligan City, Gingoog, Jasaan, Magsaysay, at Medina sa Misamis Oriental; City of Bayugan, Prosperidad, at Talacogon sa Agusan del Sur; Intensity III sa Jagnam Bohol; Baungon, Cabanglasan, Impasug-ong, Kitaotao, City of Malaybalay, Malitbog, Manolo Fortich, Maramag, Quezon, Talakag, at City of Valencia sa Bukidnon; City of El Salvador sa Misamis Oriental; Mawab at Nabunturan, Davao de Oro; City of Digos, Davao del Sur; City of Davao, at Hinatuan sa Surigao del Sur; Intensity II sa Inabanga, at Loboc, Bohol; Don Carlos at Kalilangan sa Bukidnon; Catarman, Guinsiliban, Mahinog, Mambajao, at Sagay sa Camiguin; Matanao, Davao del Sur; Banisilan, City of Kidapawan, Makilala, at Tulunan, Cotabato, at Intensity I naman sa Magsaysay, Davao del Sur; Arakan at Kabacan, Cotabato; City of Marawi sa Lanao del Sur.

Babala ng Phivolcs, asahan pa ang aftershocks at pinsala na dulot ng lindol.