Nakapanayam ng GMA News si Kapuso Primetime Goddess Carla Abellana tungkol sa natanggap na mga puna at pintas sa kaniyang mga ibinebentang pre-loved items.

Matatandaang umani ito ng batikos sa mga netizen dahil tila "naabuso" na raw nang husto ang mga pinaglumaang gamit, pero ang mahal pa rin ng presyo.

MAKI-BALITA: Dugyot nga ba? Ibinebentang pre-loved items ni Carla Abellana, pinintasan

MAKI-BALITA: Kung di gagawing ukay-ukay: Carla pinayuhang magbenta kay Boss Toyo

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inokray ng mga netizen ang mga larawan dahil parang ang dumi, dugyot, at nanggigitata na raw tingnan ng ilang mga ibinebenta niya, na mas okay at malinis pa raw ang mga items na nabibili sa ukay-ukay.

Sey ni Carla sa panayam na umere sa "24 Oras," ang pagde-declutter niya sa pre-loved items ay kasama sa kaniyang panibagong buhay ngayong 2024.

Bukod kasi sa sunod-sunod na proyekto sa Kapuso Network at pagpirma ng bagong kontrata rito, nakalipat na rin ang aktres sa kaniyang bagong bahay, pagkatapos ng hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez, na nakauwi na sa Pilipinas matapos ang mahaba-habang showbiz hiatus.

Nakasanayan na rin daw ni Carla na i-let go ang mga gamit na puwede pang pakinabangan ng iba. Bagama't marami naman ang sumuporta, marami rin ang pumuna dahil hindi raw tugma ang presyo sa kalidad ng items, kahit pa nga branded ito.

Nagpakatotoo naman si Carla sa mga taong pumuna at lumait sa kaniya.

"'Yong totoo, grabe kayo... I would sell something na much less naman how much I got it 'di ba, lalo na 'yong condition niya depende rin doon... well choice naman nila 'yon if they are interested to buy or not," anang Carla.

Bago ito, matatandaang nag-post sa Threads si Carla patungkol sa "mean people" na sapantaha ng mga netizen ay patungkol nga sa mga okray na natanggap niya sa pagbebenta ng pre-loved items.

MAKI-BALITA: Carla bumanat sa mean people, buwelta sa mga umokray sa paninda niya?