Binawian na ng buhay si dating Philippine Ambassador to the United Nations (UN) Lauro Liboon Baja, Jr. nitong Pebrero 8.

Ito ang kinumpirma ng pamangkin ni Baja na si Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja nitong Biyernes ng gabi.

Si Baja na dati ring Undersecretary for Policy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay namatay sa edad na 86.

Dati ring naging ambassador ng Pilipinas sa Italy, Brazil at sa UN si Baja nang mabigyan ng puwesto ang Pilipinas sa UN Security Council mula 2004 hanggang 2006.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Naging kinatawan din ito ng Pilipinas sa mga diplomatic conference, kabilang na sa Rome conference na nagtatatag ng International Criminal Court (ICC) at dati ring naging senior official capacities sa mga pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Non-Aligned Movement.

 

PNA