May inilabas na mga screenshot ang social media personality na si Xian Gaza tungkol sa umano'y Vivamax actress na tila ginagatasan umano ang isang politiko. Ang naturang mga screenshot ay galing daw mismo sa asawa ng politiko.

"Vivamax actress and politician. Ni-leak ng asawa 'yung convo," simpleng saad ni Gaza sa caption ng Facebook post niya nitong Biyernes, Pebrero 9.

Sa limang screenshot, mababasa ang pagbibigay ng pera ng politiko sa aktres maging ang paghingi ng pera ng huli. At sa huling screenshot naman, may kasamang picture ng umano'y aktres ngunit hindi kita ang buong mukha nito.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

mula sa Facebook ni Xian Gaza

mula sa Facebook ni Xian Gaza

May be an image of phone and text that says '10:01 Still here Fri, May 26 2:04 Where are you? Lovee can have my pocket money for our trip? Also how much is my allowance monthly? We never get to talk properly Fri, May 26 3:21PM Kailan ka alis? Tom pa clark na ako then diretso pa airport Morning What time? No lablaab Hmmp. Going out with a guy With my brother po Message'

mula sa Facebook ni Xian Gaza

May be an image of phone and text that says '10:05 461 Promise too? Wiwithraw nako tom para pang bayad sa utang Replies No, debt mama Pls send list ulit Okay love ko Just got back sa condo Ang sakit ng boobs koo Bawal pa talga ako mag buhat Oh no. Sumakit ulit? Bka dapat tangal na lang Noo Nawala na iMessage'

mula sa Facebook ni Xian Gaza

May be an image of 1 person, phone and text

mula sa Facebook ni Xian Gaza

Kaniya-kaniya tuloy ng hula ang mga netizen kung sino mga ito.

Hindi rin nagbigay ng clue ang social media personality tungkol sa politiko dahil sabi raw ng misis nito ay protektahan ang asawa niya.

"No clue kung sino yung politician. Sabi ng wife 'protect my husband, Mars'."

Samantala, sa panibagong post, pinabulaanan agad ni Gaza na hindi si Ivana Alawi ang nasa screenshot. Dahil una raw ay maraming pera ang aktres.

"Kung ia-analyze ninyo 'yung mga screenshots with Vivamax actress, obvious na obvious na hindi ito si IVANA. First and foremost, napakaraming pera ni Ivana para manghingi allowance sa isang politiko. It's not Ivana Alawi. That's fake news," anang social media personality.