Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng tanghali, Pebrero 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:19 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 87 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.