Binasag na ng kapatid ni Dominic Roque ang kaniyang katahimikan tungkol sa pinag-usapang cryptic post niya, na ininterpret ng mga netizen na "Wolf in sheep's clothing" at ikinonekta sa ex-girlfriend ng kapatid, na si Bea Alonzo.

Sey niya sa kaniyang Instagram story, hindi raw si "Ate Bea" ang pinatututsadahan niya.

Ito raw ay "work-related" at hindi niya akalaing maiuugnay ng mga netizen sa isyu ng kaniyang kapatid at ex nito.

"HELLO EVERYONE, I JUST WANT TO CLEAR UP THE STORY I POSTED RECENTLY," mababasa sa kaniyang post.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

"IT WASN'T ABOUT ATE BEA OR ANYONE CLOSE TO HER. IT WAS WORK-RELATED. AND I DIDN'T THINK THAT IT WOULD BE TAKEN OUT OF CONTEXT. BECAUSE I USUALLY POST RANDOM STUFF AND NO ONE BATS AN EYE. I HOPE THIS EXPLAINS IT. AND THIS SHOULD BE THE LAST POST I'LL DO ABOUT THEIR ISSUE."

Photo courtesy: Screenshot from Lhean Roque (IG)

MAKI-BALITA: ‘Wolf in sheep’s clothing?’ Utol ni Dominic may pasaring daw kay Bea

Samantala, ang hindi pa nagpapaliwanag ay ang cryptic post naman sa Threads ng road manager ni Bea na si Nina Ferrer na shinare naman ng make-up artist na si Ting Duque, tungkol sa isang "manipulative sad boi," na ininterpret naman ng mga netizen na parinig daw kay Dominic.

MAKI-BALITA: Road manager, make-up artist ni Bea, may cryptic post sa isang ‘manipulative sad boi’