Pinusuan ng mga netizen ang isang Facebook post kung saan makikita ang isang "person with disability" o PWD na namamahagi ng pagkaing nakasilid sa styrofoam.

Ayon sa caption ng uploader na si April Coronel, ang nabanggit na PWD ay pumuwesto sa labas ng isang supermarket sa Hagonoy, Bulacan upang mamigay ng libreng handa niya sa kaniyang kaarawan.

Humaplos sa puso ni April na sa kabila ng kalagayan ng nabanggit na lalaki ay nagawa pa nitong mamahagi ng biyaya sa mga estrangherong kagaya niya.

Hangad daw niyang gumaling na ito sa kung anumang iniindang sakit, at sana raw ay mas lumusog pa at lumakas ang pangangatawan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

"Happy b-day po🎂🎉kay tatay na nasa harap po ng puregold hagonoy nakakatuwa lng na kahit ganyan po ang kalagayan nia ay nakakapg bigay din po sya sa iba sana po ay gumaling kana po at magkaron po ng magandang kalusugan happy b-day po ulit sayo & godblessed u po🥰🙏"

"Ps naiiyak talaga sya habang inaabot nia po to siguro po dala lang ng kasiyahan nia🥹❤️," mababasa sa kaniyang caption.

Hindi naman nakuha ang pagkakakilanlan ng nabanggit na PWD.

Sa comment section ay nagpaabot naman ng pagbati sa kaiyang kaarawan at hangad nilang marami pang birthday celebration ang dumating sa kaniyang buhay.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!