Nakatakda nang ilunsad sa lungsod ng Maynila sa susunod na linggo ang programang ‘MayniLove 2024’ upang gawing ‘extra special’ at ‘unforgettable’ ang ‘Love Month Celebration’ sa lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, sa ilalim ng naturang programa, naglatag sila ng iba’t ibang uri ng mga aktibidad simula Pebrero 12 hanggang 17, 2024, upang masigurong magiging ‘extra special’ at ‘memorable’ ang selebrasyon ng buwan ng mga Puso.

Anang alkalde, sa ilalim ng temang "Memories That Last Forever," ang lokal na pamahalaan ay magdaraos ng mga aktibidad sa Kartilya ng Katipunan site sa Bonifacio Shrine sa mga nasabing petsa, mula 3:00PM hanggang 11:00PM, sa tulong at suporta ng permits bureau na pinamumunuan ni Levi Facundo.

Sinabi naman ni Facundo na aabot sa 30 merchants, na mag-aalok ng iba’t ibang uri ng pagkain at mga gift items, ang inaasahan nilang makikilahok sa aktibidad.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"There will be daily surprises and gifts for lucky patrons, as well as special features like the 'MayniLove Lock Heart,' 360 Camera and 'Puppy Love',” aniya pa.

Kaugnay nito, inanyayahan rin ni Lacuna ang mga Manilenyo na makiisa sa isasagawa nilang pagdiriwang ng buwan ng mga Puso.

Paniniguro pa niya, tiyak na mag-e-enjoy ang mga bibisita sa aktibidad dahil may mga inihanda aniyang mga bulaklak at gift items, gayundin sa mga daily performances, ang lokal na pamahalaan para sa kanila.