Magpapatupad ang Manila Police District (MPD) ng road closures at traffic rerouting sa ilang bahagi ng Binondo, sa Maynila, kasunod na rin ng nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year sa Sabado, Pebrero 10.

Sa abiso ng MPD-Public Information Office (PIO), na pinamumunuan ni PMAJ Philipp Ines, nabatid na isasarado nila ang ilang kalsada sa lungsod upang bigyang-daan ang countdown at fireworks display sa Pebrero 9, bisperas ng Chinese New Year.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ganap na 12:01AM umano magsasara ang Binondo-Intramuros Bridge, 7:00PM naman ang Southbound ng Jones Bridge at 10:00PM ang Northbound ng Jones Bridge.

Sarado rin naman ang kahabaan ng Q. Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmariñas St., at Plaza Cervantes.

Samantala, mayroon rin umano silang traffic rerouting scheme para sa naturang aktibidad.

Pinapayuhan ng MPD ang mga sasakyang mula sa Reina Regente St. na gagamit ng Juan Luna St. patungong Southbound lane ng Jones Bridge na kumaliwa sa Plaza Lorenzo Ruiz, kanan sa Noberto Ty St., kanan sa Yuchengco St., kaliwa sa Ongpin St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga behikulo naman na mula sa P. Burgos Avenue/Taft Avenue na nais gumamit ng Jones Bridge ay maaaring dumiretso sa McArthur Bridge o Quezon Bridge hanggang sa kani-kanilang point of destination. 

Ang mga sasakyan naman na mula sa Plaza Sta. Cruz at gagamit ng Dasmariñas St. ay maaaring kumanan sa Q. Paredes St. hanggang sa kanilang patutunguhan.

Ang mga behikulo naman na magmumula sa Magallanes Drive patungong Binondo-Intramuros Bridge ay maaaring dumiretso sa A. Soriano Avenue patungong Anda Circle hanggang sa kanilang destinasyon.

“Vehicles coming from Muelle dela Industria going to Binondo-Intramuros Bridge shall take Madrid St., then turn right to San Fernando St., going to Plaza San Ruiz then turn left to Q. Paredes St., turn right to Noberto Ty St., turn right to Yuchengco then turn left to Ongpin to point of destination,” nakasaad pa sa naturang traffic advisory.