Lumabas na raw ang resulta ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) ni Megastar Sharon Cuneta ayon sa ulat ni showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode ng kaniyang programang “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Pebrero 7, sinabi ni Cristy na wala raw problema sa buto si Sharon.

“Nakakatuwa naman ‘yong resulta ng MRI ni Sharon. Wala siyang problema sa buto na iniintindi niya. Ang tanging problema na niya ‘yong pinch nerve talaga,” saad ni Cristy.

“Pero maganda na wala siyang scoliosis. ‘Yong buto niya intact, maayos. Iiika-ika pa rin siya. Kasi mula bewang pababa ‘yong sakit. Kaya umiika-ika siya. At hindi naman ganoon kadaling gumaling kasi ‘yon, ‘di ba?” aniya.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kaya naman, sabi ng showbiz columnist: Masaya tayo doon sa ibinalita ni Sharon na walang dapat ikabahala ang kaniyang mga malalapit na kaibigan at mga tagasuporta. Wala pong problema sa buto. Maayos. Sa nerves lamang po. At kayang-kaya po ng therapy.” 

Matatandaang kamakailan lang ay napaulat na dindalahit daw ng ubo si Sharon at tila sinisingil na ng katawan nito.

MAKI-BALITA: Dinadalahit ng ubo: Sharon, sinisingil na ng mga sakit?

Kaya gusto na raw nitong “makipag-break” sa lahat ng mga hindi magagandang nararamdaman.

MAKI-BALITA: Sa mga nararamdaman: Sharon gustong makipag-break!