Naglabas na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng ₱265 milyong ayuda para sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad na dulot ng shear line at low pressure area (LPA) sa Davao Region.

Sa pahayag ng Malacañang, ang naturang ayuda ay bukod pa sa emergency fund transfer na ibinigay ng pamahalaan sa rehiyon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“I released the ₱265 million to make sure that the response is immediate and maramdaman agad ng tao na mayroon silang tulong, maramdaman nilang – mayroon silang gagamitin sa pangangailangan nila,” aniya.

Tumanggap na ng tig-₱30 milyon ang Davao del Norte, Davao Oriental, Agusan del Sur, at Davao de Oro habang ang Surigao del Sur at Maguindanao del Sur ay tumanggap ng tig-₱25 milyon.

Nasa ₱20 milyon ang tinanggap ng Butuan City at Davao City, at Davao Oriental habang ang Agusan del Norteay tumanggap ng

₱15 milyon.

Nasa ₱10 milyon naman bawat isa ang tinanggap ng Cotabato at Bukidnon.

Idinagdag pa ng Pangulo na naglabas ito ng dagdag na pondo para sa agarang pangangailanan ng mga apekto ng kalamidad.