Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na tumatanggap na ang Manila City Government ng aplikasyon para sa late registration ng mga birth certificates.

Ayon kay Lacuna, sa ilalim ito ng programang "Operation Birth Right" na isinasagawa sa buong buwan ng Pebrero, nang walang gastos sa mga registrants.

Anang alkalde, ang office of the City Civil Registry Office-Manila sa ilalim ni Encar Ocampo ang nagsasagawa ng programa.

Sakop daw nito ang mga indibidwal na nagkakaedad lamang ng 0 hanggang 17-taong gulang na ipinanganak sa Maynila ngunit hindi nairehistro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni Ocampo na kabilang sa requirements para makapagpa-late register ay certificate of no record (PSA at LCR), birth certificate na inihanda ng pagamutan, affidavit upang gamitin ang apelyido ng ama, marriage contract kung kasal ang mga magulang at photocopy ng identification cards (IDs) ng mga magulang.

Nabatid na bukod naman sa birth certificate, ang affidavit ay maaari ring makuha sa pagamutan kung saan ipinanganak ang batang sangkot.

"Ito ay libreng handog ng ating butihing Punong Lungsod, Dra. Honey Lacuna kasama ang Pangalawang Punong Lungsod Yul Servo- Nieto, kaagapay ang Civil Registry Office-Manila," ani Ocampo.

Dagdag pa niya, wala ring limit sa bilang ng mga aplikante na kanilang ipuproseso, ngunit kailangang maisumite nila ang aplikasyon at mga requirements sa itinakdang deadline ngayong Pebrero.