Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila ipatutupad ang anumang warrant of arrest na ilalabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa war on drugs ng dating administrasyon.

Ito ang naging reaksyon ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo matapos ihayag ni presidential spokesman Harry Roque na tumawag sa kanya si Duterte at nagsabing maaari siyang dakpin anumang oras.

Idinahilan ng PNP na sumusunod lamang sila sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi tutulong ang pamahalaan sa isasagawang imbestigasyon ng ICC.

“The President and the Department of Justice have already spoken and we support that stand. We also question the jurisdiction of the ICC because we have already withdrawn from it. For all intents and purposes, the ICC has no jurisdiction over us, they could issue a WOA (warrant of arrest) to anyone but its enforcement is another thing," ani Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Sinabi aniya ang hakbang ng ICC ay panghihimasok sa soberanya ng bansa.

Matatandaang sinabi ni Marcos na binabantayan ng pamahalaan ang ICC upang matiyak na hindi ito natutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Nanindigan din si Marcos na hindi na kinikilala ng pamahalaan ang hurisdiksyon ng ICC dahil kumalas na ang Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019.