Napa-sana all na lang ang mga netizen sa isang Business Administration graduate mula sa Saint Louis University, Baguio City matapos siyang bigyan ng bouquet ng kaniyang ina , na sa halip na mga bulaklak ay ₱150,000 cash.

Flinex ni Roselyn Gunnawa mula sa Kalinga ang larawan niya matapos ang graduation ceremony habang hawak niya ang cash bouquet.

Si Gunnawa ay nagtapos ng degree program na Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management with Specialization in Business Analytics, noong Enero 26, 2024.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kaniyang Facebook post noong Enero 26, 2024, nagpasalamat si Gunnawa sa mga taong naging dahilan ng kaniyang tagumpay.

"This milestone is a testament that with determination and hardwork, coupled with His grace and a strong support system, everything is possible," aniya.

Inialay niya ang kaniyang graduation sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang tatay na sumakabilang-buhay noong Abril 2022.

"To Papa, it pains me that you’re not physically with me to celebrate this milestone in my life but deep in my heart, I know that wherever you are, you are smiling proudly and clapping loudly- for your little girl has finally gotten her diploma. I owe this comfortable life to you and I owe it to myself to strive even harder to ensure that I will have the life I had always talked about with you," aniya.

Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang ina na kahit hindi siya nagtapos na may honors, naging espesyal pa rin ang kaniyang regalong natanggap mula rito, na aniya ay gagastusin niya sa praktikal na paraan.

"To Mama, I genuinely do not know what good I have done in the past to deserve someone like you to call my mom. You make everything easy, mom. As the white hairs on your head and the wrinkles on your forehead become more visible each day, my desire to give you the world, because that’s what you deserve, just flourishes," aniya.

Congrats, Roselyn!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!