Magpapakalat ang Manila Police District (MPD) ng may 1,500 pulis para sa pagdiriwang ng Chinese New Year at ika-430 anibersaryo ng Manila Chinatown mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 10, 2024.

Ayon kay PMAJ Philipp Ines, hepe ng MPD-Public Information Office, ide-deploy nila ang mga pulis sa matataong lugar sa Chinatown area upang magbigay ng seguridad sa publiko na makikiisa sa selebrasyon.

Nagpaskil din umano ang mga tauhan ng MPD-Meisic Police Station 11 ng mga tarpaulin hinggil sa kanilang OPLAN Paalala upang paalalahanan ang publiko na maging vigilante sa lahat ng pagkakataon bilang preventive measures laban sa kriminalidad at iba pang uri ng illegal na aktibidad.

Mahigpit ang payo ng MPD na iwasang magsuot ng mamahaling mga alahas at huwag nang magdala ng mga importanteng gamit, na maaaring makaakit sa mata ng mga masasamang elemento.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Paalala rin ng MPD sa publiko na ilagay ang kanilang pera, alahas at mga gadgets sa loob ng bag at panatilihin ang bag na nasa harapan.

Abiso pa nito, iwasang makipag usap sa mga taong hindi naman nila kakilala.