Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Mountain Province nitong Martes ng tanghali, Pebrero 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:20 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Tadian, Mountain Province, na may lalim na 10 kilometro.
Naiulat ang Intensity III sa Banayoyo, ILOCOS SUR.
Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Aringay at San Fernado City, LA UNION, at City of Vigan, ILOCOS SUR.
Hindi naman inaasahang magkakaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit posible umanong magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.