Ilang netizens ang nagbigay ng unsolicited advice kay Kapuso Star Carla Abellana na sa halip na ibenta online ang ilang pre-loved items niya na dinumog ng pintas dahil mukha raw sira, marumi, o lumang-luma na raw ang hitsura pero ang mahal pa rin ng presyo dahil nga sa branded ang mga ito.

Sa kaniyang "Carla Abellana's Closet," naka-post kasi ang ilang mga branded pero pre-loved items na ipinagbebenta na niya.

Bukod sa presyo nito, nawindang ang mga netizen dahil kitang-kita raw na lumang-luma na ang ilan sa mga ito, halos may sira na, at marumi pa.

Nasabihan tuloy na "dugyot" si Carla dahil hindi man lang daw nilinis o inayos ang mga ito bago i-post, at nakakaloka raw dahil ang mamahal pa ng presyo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mas magaganda pa raw ang mga sapatos o bags na mabibili sa mga tiyangge o ukay-ukay.

May mga nag-iisp pang baka hindi raw si Carla ang nag-post o staff niya, o baka na-hack ang account nito. May mga nagduda ring baka ibang tao ito at ginagamit lang ang pangalan ng Kapuso actress.

Dahil sa mga tinamong pintas ay inoff ni Carla ang comment section ng mga items na talagang inokray nang husto.

Samantala, ilang netizens nga ang nagrekomendang ibenta na lang niya sa content-creator na si "Boss Toyo" ang kaniyang pre-loved items, kagaya ng ginawa sa dating sports car ni Daniel Padilla at FAMAS trophy ni Jiro Manio.

MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo

MAKI-BALITA: Dating child star Jiro Manio, ibinenta ang tropeo ng Urian kay Boss Toyo

"Kay Boss Toyo ka magbenta idol, kasi baka sa mga tao, wala nang may gusto niyan ang mamahal pa."

"Kung sa pawnstar ni Boss Toyo bibilhin yan ng mahal sa presyong gusto niya at di na kailangan linisin kasi mas may dating daw pag madumi kasi nakikita na ginamit mismo ng kilalang tao. Pero kung io-online selling dapat linisin talaga at sa tamang presyo lang ng mga used items kahit branded pa ang mga ito."

"Mas shala pa nga sa ukay-ukay eh... grabe naman kasi, sana nilinis muna bago pinost. Kay Boss Toyo baka puwede 'yan."

Kung wala naman daw bibili sa mga ipinagbebenta niya, makabubuting ibagsak-presyo na raw niya o gawing ukay-ukay dahil mas magaganda pa nga raw at mukhang magagamit pa ang mga nasa ganitong uri ng tindahan.

O kung mas generous pa raw ang Kapuso Star ay ipamigay na lang daw.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Carla tungkol dito.

MAKI-BALITA: Dugyot nga ba? Ibinebentang pre-loved items ni Carla Abellana, pinintasan