Inihayag ng Buckingham Palace nitong Lunes, Pebrero 6, na na-diagnose si King Charles III na may cancer.

"During the King’s recent hospital procedure for benign prostate enlargement, a separate issue of concern was noted. Subsequent diagnostic tests have identified a form of cancer," pahayag ng palasyo.

Sinimulan na raw ni King Charles ang schedule ng kaniyang regular treatments, kung saan pinayuhan siya ng mga doktor na ipagpaliban muna ang “public-facing duties.”

“Throughout this period, His Majesty will continue to undertake State business and official paperwork as usual,” anang Buckingham Palace.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“The King is grateful to his medical team for their swift intervention, which was made possible thanks to his recent hospital procedure. He remains wholly positive about his treatment and looks forward to returning to full public duty as soon as possible,” dagdag pa nito.

Ayon din sa palasyo, pinili raw ng hari na isapubliko ang kaniyang diagnosis upang mapigilan ang mga espekulasyon at sa pag-asang makatutulong ito sa pag-unawa ng publiko para sa lahat ng indibidwal sa buong mundo na apektado ng cancer.

Matatandaang naging hari si King Charles matapos pumanaw ang kaniyang 96-anyos na ina na si Queen Elizabeth II noong Setyembre 8, 2022.