Sinariwa ng actor-politician na si Ejay Falcon ang mga hindi niya magagandang alaala nang sumalang siya sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Pebrero 5.

Sa isang bahagi kasi ng panayam, tinanong ni Boy si Ejay kung ano raw ang pinakamasakit sa lahat ng mga haka-haka at sinabi ng ibang tao tungkol sa kaniya.

“‘Yong wala akong karapatan at wala akong puwang sa industriyang ito,” saad ni Ejay.

“Sinabi ‘yan sa ‘yo?” paniniyak ni Boy.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Opo. ‘Paano ka makakapag-artista hindi ka naman nakakapag-Ingles?’ ‘Yon lang. Pero syempre ako, guilty ako. Pero parang nanliit ako ng sobra. Ito ba ‘yong basehan n’yo?” saad ni Ejay.

Bukod pa rito, nauna nang banggitin ni Ejay ang tungkol sa mga bagay na ito gaya kung paano siya alipustahin, tawaran ang pagkatao, at siraan.

“Anong pakiramdam mo kapag nililingon mo lahat ‘yon?” usisa ni Boy.

“Masakit, Tito Boy [...] Punong-puno ako ng insecurities ‘di ba dati? Pakiramdam ko, ang dami kong kakulangan. Nag-artista ako, hindi ko alam kung paano ako makikipagsabayan sa mga kasamahan ko,” kuwento ni Ejay.

“Tapos promdi ako. Probinsyano ako. Pakiramdam ko, hindi naman ako gwapo. Dati ang payat-payat ko. Hindi ako mayaman. Hindi ako Inglesero. Tapos kakaunti ang support system ko,” aniya.

Kaya sabi ni Ejay, talagang tinrabaho raw niya ang kaniyang sarili. Pinunan ang kaniyang mga kakulangan at kakapusan.

At ngayon nga ay magbabalik-telebisyon na si Ejay. Mapapanood siya kada Linggo, 7:15 pm, sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” kung saan makakasama niya sina Beauty, Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Dennis Padilla, at iba pa.