Isang taga-Quezon ang kauna-unahang instant millionaire ngayong buwan ng Pebrero.
Matagumpay niyang maiuuwi ang ₱5,940,000 premyo ng Lotto 6/42 na binola nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 1, nang mahulaan niya ang winning combination na 03-31-14-19-35-13,
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang winning ticket sa Sariaya, Quezon.
Upang makubra ang premyo, magdala lamang ng dalawang valid IDs at tumungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.