Iginiit ng isang kongresista na dapat gawing mas accessible ang serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan upang mapakinabangan ito nang husto ng publiko.

Ito ang panawagan ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes kasunod na rin ng survey ng OCTA Research na nagsasabing kabilang ang usaping pangkalusugan sa pangunahing ikinababahala ng mga Pinoy.

Sinabi ng House Committee on Health vice-chair ay ang problema sa registration sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Dahil dito, umapela ito sa pamahalaan na ayusin ang validating process at pagpaparehistro para na rin sa kapakanan ng publiko.

"Under the UHC lahat ng Pilipino miyembro na ng Philhealth. So bakit pahirapan pagdating sa mga ospital. Hindi ba dapat isang valid ID lang sapat na? Bakit kailangan pa natin pahirapan yung mga taong nagtatrabaho nang maigi para lang makuha ang serbisyo na dapat nakalaan sa kanila,” dagdag pa ng mambabatas sa isang radio interview.