Apat ang naiulat na nasawi matapos sumabog ang isang pabrika ng paputok sa Barangay Bigaa, Cabuyao, Laguna nitong Huwebes ng hapon.

Kabilang sa mga binawian ng buhay sina Marvin Lamela Ocom, 27; Bebot Reymundodia, 44; Ricardo Olic-Olic, 51, at John Ronald Gonzales Deduro, 23.

Dakong 3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Diamond Fireworks, Inc., ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Cabuyao.

Kumalat kaagad ang apoy sa nasabing pabrika at matapos ang halos isang oras ay naapula na ang sunog.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Natagpuan ang bangkay ng apat matapos isagawa ang mopping operation sa lugar.

Inaalam pa rin ng arson investigators ang sanhi ng insidente at halaga ng napinsala sa sunog.