Tinupad ng Kapamilya star Kathryrn Bernardo ang kaniyang pangako sa ABS-CBN.
Nananatiling Kapamilya si Kathryn nang pumirma siya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN nitong Biyernes, Pebrero 2. Dito ay nagbigay-mensahe siya sa kaniyang minamahal na network.
"I remember 2020, I made a promise. Sinabi ko sa ABS-CBN na 'di kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka muli. And today, here I am fulfilling that promise," ani Kathryn.
"Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko eh. Mahal ko sobra 'yong kumpanya. Together we will all rise despite the challenges, we'll be stronger even better," dagdag pa niya.
Mayo 5, 2020, sa kasagsagan ng pandemya, tumutok ang solid Kapamilya fans at viewers sa pag-shutdown ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TV Patrol.
Nawalan man ng prangkisa at napagkaitan ng sariling frequency upang makapag-ere sa free TV, mapapanood pa rin naman ang ilang Kapamilya shows sa mga TV network gaya ng A2Z Channel 11 at TV5.
Buhay na buhay din ang Kapamilya Network sa online world, cable channels, at online streaming apps.