Nilinaw muli ni “Big Bird” star Enrique Gil ang real score nila ng ka-love team niyang si Liza Soberano.

Sa eksklusibong panayam kasi ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Pebrero 1, tinanong ni resident showbiz forecaster Gretchen Fullido si Enrique kung sila pa ba ni Liza.

“So, tinatanong nga ng lahat, ano na ba? Kayo pa ba?

"Yeah, yeah. We're happy. We're just really busy,” natatawang sagot ni Enrique sa tanong ni Gretchen.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

“I think we just realized na in life, parang we shouldn't always be centered around each other. We can do more, grow more, achieve more. And it just makes us better,” aniya.

Sey tuloy ni Gretchen: "Grabe, ang healthy ng relationship niyo. Saka talagang all graces with each other."

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagsalita si Enrique tungkol sa relasyon nila nii Liza matapos umugong ang balitang hiwalay na umano sila.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, nagsalita tungkol sa tunay na estado nila ni Liza Soberano

Samantala, noong nakaraang buwan ay iginiit naman ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz sa isang episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog na wala na raw talagang relasyon ang dalawa.

MAKI-BALITA: Enrique Gil, umaasa pa rin kay Liza Soberano