Nahagip ng mata ni American director-producer Joe Russo ang aktres na si Liza Soberano sa Hollywood debut film nitong “Lisa Frankenstein.”

Sa X post kasi ni Joe nitong Huwebes, Pebrero 1, pinuri niya si Liza nang sabihin niyang “ninanakaw” umano ng aktres ang bawat eksena sa pelikula.

https://twitter.com/joerussotweets/status/1752927514580934734

“Movies like LISA FRANKENSTEIN can be great vehicles to break new stars, and 

@zeldawilliams and Diablo Cody found a superstar in Liza Soberano, who steals every scene she’s in as Lisa’s step-sister, Taffy,” pahayag ni Joe.

Probinsya

8 patay sa magnitude 7.8 lindol sa Sarangani

Si Joe—kasama ang kapatid niyang si Anthony Russo—ang direktor sa likod ng mga Marvel film na gaya ng Captain America: The Winter Soldier, Avengers: Infinity War, at Avengers: End Game.

Samantala, sinang-ayunan naman ng co-star ni Liza na si Kathryn Newton ang sinabi ni Joe tungkol sa Filipina actress. Narito ang kaniyang komento:

“YES SHE DOES ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️ I❤️ Liza”

Matatandaang nauna nang nagbigay ng papuri si Kathryn kay Liza na makikita sa comment section ng post ng aktres kung saan tampok ang bagong trailer ng “Lisa Frankenstein.”

MAKI-BALITA: Kathryn Newton, pinuri si Liza Soberano

Nakatakda namang ipalabas ang nasabing pelikula sa darating na Pebrero 9 sa iba’t ibang sinehan.

MAKI-BALITA: Debut Hollywood film ni Liza Soberano, nag-anunsyo na ng premiere date