Sumalang ang celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Pebrero 1.

Sa isang bahagi ng panayam, inusisa ni Boy sina Cristine at Marco tungkol sa posibilidad ng pagpapakasal in the near future.

“Napag-uusapan na ang kasal?

“Of course,” mabilis na sagot ni Marco kay Boy.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

"Basta ang usapan namin is ay 'yung future together,” aniya.

“Yeah,” sabi naman ni Cristine.

Dagdag pa ni Marco: “Pero 'yung details or kung ano of course konti-konti, pero 'yung long view 'yun ang napag-uusapan namin, yes."

Bagama’t tila nag-alangan si Boy, sunod naman niyang itinanong ang tungkol sa dating asawa ni Cristine na si Ali Khatibi

“Are you annulled?”

“Matagal na, Tito Boy. Yes po, like more than a year.” tugon ni Cristine.

"Kasi, Tito Boy, hindi ko naman siya in-announce eh. It's not something I should celebrate,” aniya.

Matatandaang 2016 nang ikasal si Cristine kay Ali pero makalipas ang tatlong taon ay nagpasya silang maghiwalay. 

Gayunpaman, hinangaan pa rin ng mga netizen ang co-parenting nilang dalawa sa kanilang anak.

MAKI-BALITA: Netizens bilib kay Cristine Reyes sa ‘co-parenting’ nila ng dating asawa

Samantala, Marso noong nakaraan taon, umamin si Marco tungkol sa real score nilang dalawa ni Cristine matapos nilang maispatang magkasama sa Siargao.

MAKI-BALITA: Marco Gumabao, may inamin tungkol sa kanila ni Cristine Reyes