Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang Pebrero 12, 2024 bilang ‘National Voter’s Day’ o ‘Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino.’

May be an image of text

Ang deklarasyon ay ginawa ng Comelec, 11 araw na lamang bago ang pagsisimula ng voter registration period para sa 2025 National and Local Elections (2025 NLE).

Anang Comelec, ginawa nila ang deklarasyon upang ipakita ang kahalagahan ng pagiging isang rehistradong botante at ipaliwanag ang mga proseso ng registration at eleksiyon sa mga mamamayan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bilang pagdiriwang sa National Voter’s Day, lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad sa Pebrero 12, 2024 upang i-entertain ang mga registrants, pukawin ang interes ng mga constituents at mahikayat silang magparehistro at palaganapin ang kaalaman hinggil sa voter registration.

Upang alalahanin din ang kauna-unahang deklarasyon ng National Voter’s Day, ang issuance ng Voter’s Certification sa lahat ng tanggapan ng mga election officers, Comelec National Central File Division at mga Comelec offices para sa Overseas Voting ay libre, simula Pebrero 12, 2024.

“This welcoming development is part of Comelec’s dynamic and continuous service to the Filipino people.  The Comelec resolution promulgating this development will be issued as soon as possible,” anang Comelec.

Para naman sa mga rehistradong botante na kabilang sa vulnerable sectors, kabilang ang mga senior citizen, persons with disability, persons deprived of liberty, indigenous peoples at mga miyembro ng Indigenous Cultural Communities, ang issuance of Voter Certification ay mananatiling libre at lahat ng fees ay waived na rin.

Sinabi pa ng Comelec na maliban sa pagdeklara bilang National Voter’s Day, ang Pebrero 12, 2024 ay hudyat din ng pagsisimula ng voter registration para sa 2025 NLE na magtatagal hanggang sa Setyembre 30, 2024.