Pinagkaguluhan ng mga netizen ang litrato ng aktres na si Pinky Amador habang may hawak na mugshot, may tapal na gasa sa noo, at mukhang nasukol na ng pulisya.

Subalit huwag mag-alala dahil bahagi lamang ito ng kinabubuwisitang role niya bilang si "Moira Tanyag" sa longest-running afternoon series ngayon ng GMA Network, ang "Abot Kamay na Pangarap."

Photo courtesy: GMA Network (FB)

Photo courtesy: GMA Network (FB)

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Marami ang naiinis sa karakter ni Pinky na isa sa mga primera kontrabida sa nabanggit na seryeng pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Nanggalaiti naman ang mga netizen sa comment section ng mga larawang ibinahagi ng GMA Network.

"Moira mmya itatakas kita dont worry kakampi ntin s direct at ang writer lakas mo kaya sa kanila"

"im sure mapupunta yan sa mental tapos magkakachance na makatakas"

"Waiting ng plot twist nito."

"Naku mukhang matatapos na ah..."

"Wahahaha abot kamay na rehas."

Mukhang extended pa ang serye dahil patuloy itong tinatangkilik ng mga manonood tuwing hapon.