Binanatan ng direktor na si Darryl Yap ang mga Kakampink o tagasuporta nina dating presidential candidate at dating Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate at dating senador Atty. Kiko Pangilinan, na nagpapatutsada ngayon na "Tama Nga Kami, Tanga Nga Kayo," sa mga bumoto sa UniTeam candidates na sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Ibinahagi ni Yap sa kaniyang Facebook post ang naging pananaway ni Pangilinan sa mga Kakampink na nambabato ng insulto sa mga bumoto sa BBM-Sara tandem.

Sey ni Atty. Kiko, "With due respect, this and other similar messages DO NOT help advance the cause we fought for then and continue to fight for now. Naiintindihan ko yung frustrations ng iba sa atin pero sana hindi ito dinadaan sa galit o sa pangungutya. We need to persuade and convince. We do not need to ridicule and insult. Kailangan natin makipag-usap at makinig hindi itong magmagaling, mang-insulto at makipag-away."

Komento naman dito ni Yap, "MALI RAW KAYO."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa iba pang post, sinabi ni Yap na huwag na raw makisawsaw ang mga Kakampink dahil kung anoman daw ang gulo ngayon sa gobyerno, away daw ito ng mga nanalo at hindi ng mga talunan.

"sa mga painvolve na kakampekpek; AWAY NG MGA NANALO TO. tumindig lang kayo sa gedli," aniya.