Isang common friend daw nina ex-celebrity-couple Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagpadala ng mensahe kaugnay sa balitang may utang umano ang huli sa pamilya ng una.
Sa latest episode ng showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o OOTD nitong Martes, Enero 30, iniulat ng host na si Jobert Sucaldito ang private message na natanggap daw niya mula sa common friend nina Kathryn at Daniel para linawin ang nasabing isyu.
Ayon sa mensaheng natanggap ni Jobert: “Isang pagtutuwid sa mga maling bata na nangangailangang itama. Una, walang utang. Hindi kailanman nagkaroon ng pagkakautang sa personal ng milyon o kahit piso si Miss Karla Estrada kay Min Bernardo at kay Miss Kathryn mismo.”
“‘Yong Corvette na sasakyan ni Daniel, hindi totoong may parte si Miss Kathryn Bernardo sa nasabing sasakyan. Solo itong pag-aari ni Daniel […] Lahat po ng sasakyan ni Daniel ay sarili niyang pera ang ipinambili,” saad pa sa mensahe.
Dagdag pa rito: “‘Yong KFC Branch […] wala ring parte si Miss Kathryn Bernardo sa KFC Branch na pag-aari ng pamilya nila Daniel Padilla. ‘Yong bahay, mahigit isang taon na nang mapagdesisyunan na ibenta ang bahay ni Miss Karla Estrada dahil nais na niyang lumipat sa South area. Iba ito sa bahay ni Daniel na katabi ni Miss Karla.”
Matatandaan kasing matapos ibenta ni Daniel ang kaniyang luxury car ay lumutang din ang balita na isusunod din daw nito ang bahay niya.
MAKI-BALITA: Matapos ibenta ang kotse: Daniel, plano ring isunod ang bahay?
MAKI-BALITA: Milyones na sports car ni Daniel Padilla, ibinebenta kay Boss Toyo
Bukod pa rito, naiulat din ang balitang hati raw sina Daniel at Kathryn sa pinagbetahan ng nasabing kotse dahil pera daw ni Kathryn ang ginamit sa pagbili nito.
MAKI-BALITA: Perang pinagbentahan ng kotse ni Daniel, hiningi ni Kathryn?
Kaya naman, hindi naiwasang makabuo ng mga espekulasyon na bukod sa naghihirap na, baka may utang din daw ang aktor sa pamilya ng ex-jowa niya.
MAKI-BALITA: Pagbebenta, iniisyu: Daniel may utang kay Kathryn o naghihirap na?
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang magkabilang panig hinggil sa bagay na ito.