Noong Pebrero 1, 1814, 210 taon na ang nakalilipas mula ngayon, nangyari ang itinuturing na pinakamalakas na pagsabog ng Bulkang Mayon na nagdulot ng pagkasawi ng mahigit 1,200 indibidwal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sunod-sunod na mga lindol noong Enero 31, 1814 bago nangyari ang naturang makasaysayang pagsabog ng bulkan dakong 8:00 ng umaga noong Pebrero 1 nang taong iyon.

“The 1814 eruption of Mayon Volcano is classified as Plinian – characterized the violent and sustained ejection of volcanic tephra, mostly volcanic ash and lapilli,” anang Phivolcs.

“Ash and volcanic fragments were violently ejected into the air. As described in some accounts, it can be interpreted that pyroclastic flows swept down the southern slopes of the volcano.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Volcanic deposits were described to reach up to 10 to 12 meters along the affected slopes,” dagdag nito.

Dahil sa malakas na pagsabog, lubha raw naapektuhan ang mga bayan ng Camalig, Cagsawa, Budiao at ilang bahagi ng lungsod ng Legazpi.

Natabunan umano ang buong Cagsawa, kabilang na ang simbahan kung saan nagtakbuhan at sumilong ang mga residenteng pawang mga nasawi rin. Tanging ang kampana raw ng Cagsawa church ang nanatiling nakatayo matapos ang pagsabog.

Nalipat din ang dating sentro ng Albay mula Cagsawa patungong Daraga dahil sa lawak at bigat ng pagsabog ng bulkan, saad pa ng Phivolcs.

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 2 ang status ng Bulkang Mayon.