Nananatiling matatag ang presyo ng bangus at tilapia sa Metro Manila, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Sa price monitoring report ng DA-BFAR, nasa ₱180 kada kilo ang mga medium-sized bangus na mula Batangas at Pampanga, habang ang mga medium-sized na tilapia mula sa Batangas at Pampanga ay nagkakahalaga ng ₱120 kada kilo.

Sinabi ng ahensya, saklaw ng kanilang ulat ang 10 pangunahing retail market sa National Capital Region (NCR).

National

De Lima aprub sa alok ni Romualdez, maging prosecutor sa impeachment ni VP Sara

"Two to three pieces of medium-sized bangus usually weigh one kilogram, and the same goes for tilapia," pahayag ng DA-BFAR.

Hindi nakitaan ng pagbabago sa presyo ng bangus at tilapia.

"The prices of these fisheries commodities have remained stable since the previous weeks due to sufficient supply from farms. The farmgate prices of tilapia have decreased from ₱90 to ₱93 last week to ₱85 to ₱88 this week, while bangus farmgate prices were at ₱130 to ₱140 only this week," ayon pa sa ahensya.

PNA