Hinikayat ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Miyerkules ang mga mananampalatayang Pilipino na higit na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanilang tungkuling maglingkod para sa kapakanan ng bayan.

Ang panawagan ay ginawa ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, sa gitna na rin ng namumuong tensyon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Florencio, na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, mahalagang ipanalangin ang kaliwanagan ng puso at isip ng mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng naaangkop na desisyon at aksyon para sa kabutihan ng bayan.

Pagbabahagi pa ng Obispo, may direktang epekto sa buhay ng taumbayan ang mga gagawing desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan kaya’t mahalaga aniyang ipanalangin ang tuwinang paggabay ng Banal na Espiritu sa mga halal na lingkod bayan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“True leaders are supposedly discerning kong ano ang dapat gagawin nila. Kasi kong anuman ang kanilang gawin at sabihin will always have some repercussions para sa mga constituents. Ipagdasal natin sila at huwag tayo magpadala. As a people and community meron pa rin tayong magagawa. Listen to the promptings of the Holy Spirit,” bahagi pa ng pahayag ni Bishop Florencio sa church-run Radio Veritas.

Ipinaliwanag din niya na mahalagang maging alerto at mapagbantay ang bawat isa sa mga hakbang ng pamahalaan na dapat ay tuwinang para sa kabutihan at kapakanan ng bayan at ng taumbayan.

“Ang dapat manaig sa atin ay ang ‘good for the nation and its people,’” dagdag pa ng Obispo.

Matatandaang binanatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si PBBM na magbitiw na lamang sa posisyon kung wala itong pag-ibig sa bayan. Dagdag pa niya, “tamad” at “walang compassion” daw ang pangulo. Nagsimula ang lahat ng gusot sa “confidential fund” ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte hanggang sa mapunta na nga sa usapin ng People’s Initiative na pagtatangkang baguhin o amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.

MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM

MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’

Binanatan din ni FPRRD si PBBM na gumagamit daw ng pinagbabawal na gamot at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM

Itinanggi naman ng PDEA na nasa watchlist nila ang pangalan ni PBBM.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Sinabi naman ni PBBM na matagal nang gumagamit ng “fentanyl” si FPRRD.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM

Ipinagtanggol naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pinsang si PBBM laban sa mga maaanghang na pahayag ni Duterte.

MAKI-BALITA: Romualdez, pumalag sa banat ni Baste kay PBBM: ‘Masipag ang presidente’

MAKI-BALITA: ‘Tama na pambubudol!’ Romualdez, pinagtanggol si PBBM vs pamilya Duterte

Sa kaniyang opisyal na pahayag naman ay sinabi ni VP Sara na hindi niya kinausap ang kapatid tungkol sa mga nasabi nito laban sa pangulo.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagsalita ukol sa panawagan ng kapatid na mag-resign na si PBBM