Magnolia vs sister team San Miguel sa PBA finals
Magnolia vs sister team San Miguel sa PBA finals
Nakatakda nang magkita ang Magnolia at sister team nito na San Miguel sa PBA Season 48 Commissioner's Cup Finals na magsisimula sa Biyernes, Pebrero 2.
Ito ay nang dispatsahin ng Magnolia ang Phoenix Super LPG, 89-79, sa kanilang semifinal series sa Mall of Asia Arena nitong Miyerkules ng gabi.
Pinakain ng alikabok ng Magnolia ang Phoenix matapos makuha 21 points na bentahe sa second half na nagbigay sa kanila ng panalo.
Pinangunahan ni Mark Barroca ang laban matapos makakolekta ng 21 points, kabilang ang 16 nito sa first half, bukod pa ang apat na rebounds at limang assists.
Katulad ng inaasahan, tumulong din sina Tyler Bey at Ian Sangalang upang tuluyang maiuwi ng koponan ang tagumpay.