Usap-usapan ang post ng isang netizen kung saan makikitang kasama nila sa larawan sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales na namataan daw nila sa isang area habang sila ay nagja-jogging.

Makikita ang screenshots ng post ng netizen sa ulat ng Fashion Pulis.

"Post ko na din sa wall ko para may remembrance. Kasabay lang namin mag jogging sila Kathryn Bernardo at Jericho Rosales."

"Wag nang mag showbiz question kasi di ko din alam ang sagot," anang netizen na tinakpan ang pagkakakilanlan.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

Photo courtesy: Fashion Pulis

Kalakip ng post ang mga hiwalay na litrato na kasama nila sina Kath at Echo.

Photo courtesy: Fashion Pulis

Kaya naman sa comment section ay naiintriga ang mga netizen kung bakit magkasama ang dalawa.

Matatandaang pare-parehong hiwalay na ang dalawa sa kanilang partners na sina Daniel Padilla at Kim Jones.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Matapos ang 10 taong pagsasama: Jericho Rosales, Kim Jones hiwalay na!

Naisip naman ng mga netizen na baka may binubuong "rapport" ang dalawa at baka magsasama sila sa isang proyekto sa hinaharap.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sana they're just building some rapport bec my project sila. Parang weird kung may something..."

"Baka may project collab sila. Spotted din sila sa isang bar the other day."

"Kaya ba inannounce separation nila ng wifey? Pra di mgka issue if spotted sila."

"Baka may project together."

Matatandaang naging open si Jericho nang sabihin niyang gusto niyang makatrabaho si Kathryn sa mga susunod na proyekto niya.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo