Trending ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Akiho Closet" matapos ibahagi ang isang karanasan patungkol sa bansang Japan.

Hindi raw makapaniwala si Akiho sa nangyari, dahil kung tutuusin, maliit na bagay lang daw ito.

Kuwento niya, nakalimutan daw siyang suklian sa post office sa Japan noong Enero 13, subalit hindi naman big deal sa kaniya dahil maliit na halaga lang.

Hindi raw niya nasagot ang mga tawag pala sa kaniya dahil nang mga sandaling iyon ay nasa Pilipinas siya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nang makabalik na sila sa Japan, nagulat siya nang magsadya mismo ang pinuno ng post office at personal na i-abot ang sukli, may kasama pang freebie bilang paghingi ng paumanhin sa pagkakamali nila.

"grabe tlga sa japan!" aniya.

"nakalimutan nila kong suklian sa post office nung january 13. which is ang sukli ko ay ¥20 lng naman😂 tpos naka ilan beses tawag skin kaso nasa pinas kami. then today nagulat ako pumunta pa sa house namin yung leader ng post office para mag apologize at ibalik yung sukli ko na ¥20 , may ksama pang mga kimochi para sa pagkkamali nila. na wala lng nman skin tlga kung tutuusin dahil 20 lng nmn yan😂 dibale kung isang lapad sana hahahah."

Kaya aniya, "dun mo tlga makikita ang lupet ng japan. kahit barya pa yan tlgang ibabalik at ibabalik nila sayo lagi yung para sayo❤️ i love japan!❤️❤️."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Hindi naman naiwasang ikumpara ito sa Pilipinas.

"Yes ang ganda talaga sa japan💕 di maiwasan na ma compared sa pinas pag walang sukli bigyan ka ng candy 🤣"

"sa kanila kasi mas binibigyan ng halaga ng education ang magandang asal na nadadala ng mga bata hanggang makatapos sila, dito sa atin mas hinuhubog tayo maging matalino."

"Sa poultry shop dito sa Pinas, Paranaque nalimutan akong bigyan ng sukli. Kinabukasan binalikan ko kasi nanghihinayang ako sa 50 pesos. Sabi ko di nyoko nasuklian kahapon... Sabi ba naman sakin kung pede nalang ba daw i convert into catfood since catfood naman binili ko kasi mababawas daw un sa kahera... Sabi ko nlng... Bakit? Diba may listahan kayo jan na sinusulatan ng orders so it means malalaman nyo na may sosobrang 50 pesos jan. Ibalik nyo ung 50 ko. Ayun binalik."

Pero ilang netizens din naman ang nagsabing may mga ganiyan pa naman sa Pilipinas.

"Well recently here sa Pinas, meron parin naman ganito. January 24, I went to AMS in Makati, nagpaphotocopy ako worth P2.00 lang as they required kaso P50.00 pera ko. Nakalimutan ko sukli ko kasi I needed to go to Makati Med for some tests. Kinabukasan ko nabalikan, when I asked, may note sila said reception about my change. 😅 So ayun, nabalik sakin sukli. Kudos tobAMS staff! 😊"

"as a maliit na store owner ung mga naiiwang sukli dyan ko nilalagay (garapon) since kilala ko naman halos mga bumibili sakin. pag bumalik inaabot ko."

"May ganiyan din naman sa Pilipinas, hindi naman lahat ganid sa pera."

Ikaw, naranasan mo na rin ba ito?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!