Nanlaki ang mga mata ng mga residente sa Brgy. Antulang sa Siaton, Negros Oriental matapos tumambad ang isang ga-higanteng isdang lapu-lapu na nabingwit ng mga mangingisda sa nabanggit na lugar.

Sa Facebook page ng Negrosanon Stories, makikitang kasinhaba ng isang tao ang nabanggit na isda na may timbang na 64kgs.

May mga nagsasabing biyaya ito mula sa dagat subalit may ilang residenteng nababahala sa posibleng dahilan kung bakit lumitaw ang napakalaking isda.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Matandang paniniwala kasi na kapag may lumitaw na hindi tipikal na mga nilalang mula sa ilalim ng dagat, ito ay may dulot na kamalasan sa lugar.

Subalit sa siyensiya, pinaniniwalaang may nararamdaman daw na unusual na paggalaw sa ilalim ng dagat ang mga nilalang na ito kaya nabubulabog at lumilitaw sa surface o mga bahagi ng karagatang mababaw.

Kamakailan lamang, sangkaterbang mga isda naman ang naglitawan sa dalampasigan ng Brgy. Tinoto, Maasim, Sarangani na hinakot naman ng mga residente.