Ipatutupad ng Manila Water Company, Inc. ang anim na araw water service interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal simula Pebrero 1, Huwebes.
Sa abiso ng nasabing water concessionaire, idinahilan nito ang isasagawang maintenance activities sa mga lugar na maaapektuhan nito.
Ang mga maaapektuhan ay kinabibilangan ng San Juan, Marikina City, Quezon City, Cainta, Antipolo, Rodriquez, Angono, Binangonan, Taytay, at Jala-Jala sa Rizal.
Metro
Pag-iisyu ng Beep card, pansamantalang sinuspinde
Mararamdaman ang kawalan ng suplay ng tubig mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.
Dahil dito, nanawagan ang kumpanya sa mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago pa maranasan ang water supply interruption.