Patuloy pa ring nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang trough ng low pressure area (LPA) at northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Enero 30.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Caraga, Davao Region, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, at Southern Leyte dulot ng trough ng LPA.

Pinag-iingat ang mga residente rito dahil sa posible raw pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Malaki naman ang tsansang magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan na may katamtamang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, at mga natitirang bahagi ng Eastern Visayas.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Bukod dito, posible umanong magdudulot ang amihan ng medyo maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa naturang mga lugar.

Samantala, inihayag ng PAGASA na maliit na ang tsansang may mabuo o pumasok na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa pagtatapos ng buwan ng Enero.