Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng hapon, Enero 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:47 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 89 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 20 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.