Naaksidente raw ang senador at aktor na si Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa taping ng teleserye nilang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” ni Beauty Gonzalez.

Sa latest episode ng Marites University nitong Lunes, Enero 29, ibinahagi ni showbiz insider Rose Garcia ang tungkol dito.

“During the shoot, kasi mayroong mga action-action, ‘yong daliri ni Beauty parang tumama sa mata ni Senator Bong. Kaya si Senator Bong nasugod talaga sa ospital,” kuwento ni Rose.

“So, talagang takot na takot si Beauty. Kahit noong ini-interview namin siya talagang ramdam na ramdam mo pa rin ‘yong tensyon,” aniya.

Impeachment case ni VP Sara, maaari pang madagdagan?

Dagdag pa ni Rose: “Kasi ito palang si Senator Bong—not sure, e, kung naoperahan na siya sa eyes—pero sinabihan na siya ng doktor na ‘yon ang pinakaiiwasan niya—’yong tumama ang mata niya.”

Buti na lang daw, hindi mahaba ang kuko ni Beauty that time. Dahil kung nagkataon daw, mabubulag sana si Revilla ayon daw sa doktor nito.

Samantala, nakatakda namang magsimula ang season 2 ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” sa darating na Linggo, Pebrero 4.