Usap-usapan at nagpamangha sa mga netizen ang TikTok video ng isang nagngangalang "Veronica Balayo" matapos niyang ipakita ang isang painting na nakita sa National Museum tampok ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya.

"Am I her reincarnation? 😱," caption ni Veronica sa kaniyang viral video na umabot na sa mahigit 8M views.

Napag-alamang ang babae sa painting ay yumaong nanay ng historyador-propesor na si Ambeth Ocampo.

"Trending on Tiktok video this morning was the post of Veronica Balayo, a recent visitor to the National Museum who resembles a photo-oleo of my mother from the 1950's! The video has earned over 400,000 likes!" ani Ambeth.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang reincarnation, o reinkarnasyon, ay isang konsepto sa maraming relihiyon at pilosopiya na nagsasabing ang kaluluwa ng isang tao ay maaaring muling isilang sa ibang katawan pagkatapos ng kamatayan. Ito ay nagpapahiwatig ng patuloy na siklo ng pagkabuhay at pagkamatay, kung saan ang isang indibidwal ay nagkakaroon daw ng maraming buhay sa iba't ibang anyo o katawan.

Ikaw, naniniwala ka ba sa reincarnation?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!