Binigyan ng parangal ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang ilang mga empleyado nito na nagpakita ng kanilang katapatan sa trabaho at bayan.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ay ang mga station tellers na sina Mary Jane Baring, Laurice Enecuela, at Michael Lagarde at cashier na si Levy Luna, na nagsauli ng nawalang wallet ng isang pasahero.

Pinarangalan din ang lady guard na si Gracia Saguion matapos magsauli ng nawalang ID ng isang commuter.

Pinuri rin naman at pinasalamatan ni Cabrera ang mga kawaning ginawaran ng parangal.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hinikayat din nito ang lahat ng railway staff na patuloy na magsilbi nang maayos at tapat sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay Cabrera, "Nagpapasalamat tayo sa ating mga railway staff na patuloy na nagsisilbi ng maayos at tapat sa ating mga pasahero. Ang inyong katapatan ay sumasalamin sa ating layunin na magbigay ng maayos at makabayang serbisyo."

Nabatid na isinagawa ng LRTA ang pagbibigay ng parangal sa mga tapat na kawani sa flag raising ceremony nitong Lunes.