Viral ang larawang ibinahagi ng dating Vice President Leni Robredo habang nagpapagupit siya ng buhok noong Linggo, Enero 28.

"Amay na Dominggong agang burulugan. Bago pa man magsimba ta pirmi sanang sibot an sakong parabulog," aniya sa caption.

Sey ng mga netizen, chill at relax lang si Robredo habang nagbabardagulan daw ang kampo nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng magkahiwalay na political events na naganap sa Quirino Grandstand sa Maynila at sa Davao City.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Chill lang oh."

"tamang beauty rest lang habang nagsisiraan ’yung dating magkakampi (15M)"

"tamang beauty rest lang while naglolokohan ‘yung dating magkakampi hahaha"

"Madam, nag aaway po sila. While Madam Leny... pasalon salon lang."

Matatandaang binanatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si PBBM na magbitiw na lamang sa posisyon kung wala itong pag-ibig sa bayan. Dagdag pa niya, "tamad" at "walang compassion" daw ang pangulo. Nagsimula ang lahat ng gusot sa "confidential fund" ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte hanggang sa mapunta na nga sa usapin ng People's Initiative na pagtatangkang baguhin o amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.

MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM

MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’

Binanatan din ni FPRRD si PBBM na gumagamit daw ng pinagbabawal na gamot at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM

Itinanggi naman ng PDEA na nasa watchlist nila ang pangalan ni PBBM.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Sinabi naman ni PBBM na matagal nang gumagamit ng "fentanyl" si FPRRD.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM

Ipinagtanggol naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pinsang si PBBM laban sa mga maaanghang na pahayag ni Duterte.

MAKI-BALITA: Romualdez, pumalag sa banat ni Baste kay PBBM: ‘Masipag ang presidente’

MAKI-BALITA: ‘Tama na pambubudol!’ Romualdez, pinagtanggol si PBBM vs pamilya Duterte

Sa kaniyang opisyal na pahayag naman ay sinabi ni VP Sara na hindi niya kinausap ang kapatid tungkol sa mga nasabi nito laban sa pangulo.

MAKI-BALITA: VP Sara, nagsalita ukol sa panawagan ng kapatid na mag-resign na si PBBM