Nagpahayag ng kahandaan si "Wowowin" host Willie Revillame hinggil sa pagtakbo bilang senador sa nalalapit na halalan sa 2025.

Sinabi ito ni Willy nang dumalo siya sa protest rally kaugnay ng "People's Initiative" na baguhin ang 1987 Constitution na ginanap sa Davao City, kung saan, isa sa mga nagbigay ng talumpati ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang noong 2022 ay hinimok na siya ng dating pangulo na tumakbo sa pagka-senador subalit mismong si Willie ang tumanggi dahil hindi pa raw siya handa.

Makalipas ang dalawang taon ay tila nakapag-isip-isip na raw si Willie at mukhang handa na sa panibagong hamong ito ng serbisyo publiko.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Palagay ko, handa na ako. Handa akong gumawa ng kabutihan, handa akong magsilbi hindi lang sa bayan. Handa akong magsilbi sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong," aniya.

Ang nabanggit lamang ni Willie ay handa at hindi pa tiyak kung itutuloy niya ito kapag nagpasahan na ng mga dokumento sa Comelec.