Naglabas ng pahayag si Education Secretary at Vice President Sara Duterte tungkol sa panawagan ng kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na mag-resign na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang punong ehekutibo ng bansa.
Maki-Balita: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng bise presidente na hindi niya pa nakakausap ang kaniyang kapatid tungkol sa sinabi nito kay Marcos.
“I have not spoken to my brother about his remarks on the President’s resignation. I can only surmise that he is coming from a place of brotherly love, coupled by the common sentiment that I do not deserve the despicable treatment that I am receiving from some sectors within the circle of the President,” saad ni VP Sara.
Bunsod ng mga umano’y atake at paninirang-puri na natatanggap niya matapos ang naturang pahayag ng kapatid, patuloy pa rin umano siyang maglilingkod sa taumbayan.
“Gayunpaman, naniniwala ako na ang boto ng taumbayan ay isang pagkakaloob ng tiwala na ako’y magtatrabaho at maninilbihan para lamang sa Pilipino. Kasama ng tiwalang ito, ang tiwalang kakayanin ko ang anumang atake, black propaganda, paninirang-puri, at iba pang mga hamon na ibabato sa aking pagkatao,” anang bise presidente.
“Hindi man madali, patuloy akong kumukuha ng lakas at inspirasyon sa tiwalang ibinibigay sa akin ng ating mga kababayan. I take heart from the confidence of the people in my ability to work and thrive in a pandemonium,” dagdag pa niya.
“Sa kabila ng lahat, hindi ako kailanman panghihinaan ng loob. I will stay true to my work at the Department of Education, unless the President says otherwise.
“Uunahin ko ang Pilipinas.”