Nagsalita na ang aktor, singer, piloto, at army reservist na si Ronnie Liang kaugnay sa pagiging guest performer niya sa “Bagong Pilipinas” kickoff rally na ginanap sa Quirino Grandstand nitong Linggo, Enero 28.

Sa X post ni Ronnie nitong Lunes, Enero 29, nilinaw niya na wala raw siyang natanggap na talent fee sa nasabing kickoff rally.

“Tuwing na-iimbitahan po ako sa mga event ng Malacañang o Office of the President, tulad ng Konsierto sa Palasyo o #BagongPilipinas #BagongPilipinasKickOffRally, wala pong talent fee na ibinibigay sa akin (standard rate) (hindi ko lang po alam ang iba), lalo na kung ito ay may kinalaman sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at dumaan ito sa opisina ng Philippine Army,” pahayag ni Ronnie. 

“Karaniwan pong binibigay sa akin ay honorarium o budget para sa gasolina, toll gate at food. Usually din po, ang mga kinakanta ko sa mga nasabing event ay pagbibigay-pugay sa ating kasundaluhan, katulad ng kantang ‘Mandirigma’ kasama sina Sgt. Geneva Cruz & Sgt Arci Muñoz ng Philippine Airforce,”  aniya.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Dagdag pa niya, tungkol daw sa pagseserbisyo at pagsuporta sa bayan ang kaniyang pagiging reservist. Gusto lang daw niyang maglingkod at tumulong sa bayan nang walang hinihinging anomang kapalit. 

“Ito'y bahagi lamang ng aming sinumpaang tungkulin upang tugunan ang tawag ng tungkulin bilang isang aktibong Reservist,” saad niya.

https://twitter.com/ronnieliang/status/1751887503983059363

Matatandaang inulan ng mga puna at batikos ang ibang kasamahang celebrity ni Ronnie nang ilabas ng Presidential Communication Office (PCO) ang listahan ng mga guest performer sa nasabing event.

MAKI-BALITA: Celebrities na magpe-perform sa Bagong Pilipinas kick-off rally, pinangalanan

MAKI-BALITA: ‘Nakakaawa sila!’ 4th Impact, kina-cancel na sa X

MAKI-BALITA: Rita Daniela, dati raw Kakampink; gipit kaya pinatos ang ‘Bagong Pilipinas?’

MAKI-BALITA: Ken Chan, guest performer sa ‘Bagong Pilipinas;’ netizens, dismayado