Tila dismayado si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa girian nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa X post ni Manuel nitong Lunes, Enero 29, ibinahagi niya ang screenshot ng ulat tungkol sa pagpalag ni Marcos sa paratang ni Duterte na isa umano itong drug addict. 

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

“Inuna pa nila ang bardagulan habang ‘di pa bumababa ang presyo ng bigas, kakarampot pa rin ang minimum wage, ang daming nagugutom na Pilipino, at ‘di pa napapanagot ang mga pasimuno ng pekeng giyera kontra droga,” pahayag n Manuel.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dagdag pa niya: “We the youth are sick of traditional politics!”

Matatandaang isiniwalat ni Duterte nitong Linggo, Enero 28, na kasama umano si Marcos, Jr. sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM

Pinabulaanan naman ng PDEA ang nasabing paratang at sinabing wala umano sa National Drug Information System (NDIS) ang pangalan ng kasalukuyang pangulo.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Matapos ito, iginiit ni Marcos Jr. na tumitira umano si Duterte ng “fentanyl.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM