Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes na kasama si Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang drug watchlist.
Matatandaang nitong Linggo, isiniwalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama raw sa drug watchlist ng PDEA si Marcos.
“No’ng ako’y mayor, pinakitaan ako ng evidence ng PDEA. Doon sa listahan, nandoon ‘yong pangalan mo. Ayaw kong sabihin ‘yan kasi magkaibigan tayo. Kung hindi magkaibigan, magkakilala,” ani Duterte.
“Ikaw eh, pumapasok kayo nang alanganin. Mr. President baka sumunod ka sa dinaanan ng tatay mo. D’yan ako takot ayaw kong mangyari sa’yo ‘yan. Pabor lang, ako naman ang magmamakaawa kasi it will divide the nation at madugo ang panahon na ito.”
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM
Samantala, kinontra ng PDEA ang naturang pahayag na ito ni FPRRD.
“The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) categorically states that President Ferdinand R. Marcos, Jr is not in its watch list., contrary to the statement of former President Rodrigo Duterte,” saad ng ahensya.
“From its inception in 2002 and up to the present, President Ferdinand R. Marcos, Jr was NEVER in our NDIS (National Drug Information System),” dagdag pa nila.
Ang NDIS ay ang intelligence database ng mga drug personalities. Ito ay batay sa Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nag-uutos sa PDEA na regular na magsagawa ng intelligence workshops sa pakikipagtulungan ng iba pang law enforcement agencies para i-update ang NDIS.
“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” pahayag pa ng PDEA.